Binisita na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Sustainable Agriculture and Fisheries Enterprise Innovation Hub sa San Jose, Pili, Camarines Sur.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang P230 million na pasilidad ay pinondohan ng Philippine Coconut Authority.
Layon nito na matulungan ang coconut farmers sa rehiyon, sa pamamamagitan ng pagsisilbi bilang trading hub at processing plant.
Nilagyan ito ng mga modernong pasilidad para sa paggawa ng iba’t ibang produkto mula sa niyog.
Kampante ang DA na makakatulong ito para maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka na nakadepende lamang sa pagniniyog.
Matatagpuan ang pasilidad sa Bicol Food Terminal Complex, kung saan naroon din ang food terminal, processing center para sa prutas at gulay, at processing plant para sa virgin coconut oil at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer