Nakatakda nang ipamahagi bukas (Abril 17) ng Department of Agrarian Reform ang 1,416.35 ektarya ng agricultural lands sa mga magsasaka sa Cagayan Valley region.
Asahang aabot sa 901 Agrarian Reform Beneficiaries ang mabibigyan ng titulo ng lupa at support services.
Pangungunahan ni Vice President Sara Duterte, Senator Imee Marcos at DAR Secretary Conrado Estrella III ang aktibidad sa F.L. Dy Coliseum, San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Kasabay din nito ang turn over ng infrastructure facilities na nagkakahalaga ng P263,800,000 at farm machineries at equipment na nagkakahalaga ng P23,639,500.
Kabuuang 1,117 certificates of land ownership award/emancipation patent ang ipapamahagi sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. | ulat ni Rey Ferrer