Pormal nang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform ang farm machineries at mga kagamitang pangsaka sa mga magsasaka sa Sultan Kudarat.
Makikinabang sa kaloob na tulong ang mga Agrarian Reform Beneficiary mula sa Green Multi-Purpose Cooperative sa New Pangasinan, Isulan.
Kabilang sa mga ipinamigay na kagamitan ay hand tractor na may trailer, floating tiller, power tiller, traveling rice mill at 4WD tractor (40Hp).
Abot sa kabuuang Php1.5 milyon ang halaga ng farm machineries ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo sa ilalim ng DAR-Climate Resilient Farm Productivity Support Project for Major Crop-Based Farming (CRFPSP-MCBF).
Bukod dito,nagkaloob din ang DAR ng 50 sako ng mga pataba na nagkakahalaga ng Php100,000 at iba farm inputs na abot sa Php 75,000. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR Sultan Kudarat