Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayer na hanggang ngayong araw na lang ang deadline ng filing at payment ng 2023 Annual Income Tax Return (AITR).
Paalala ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.,ang paghahain ng AITR ay maaaring gawin sa mga available BIR electronic platforms,tulad ng, Electronic Filing and Payment System (eFPS) o di kaya ay Electronic BIR Forms (eBIRForms).
Pinapayagan naman ng BIR ang manual filing ng AITR kapag magamit o maka access sa electronic platforms.
Sa pagbabayad ng income tax , maaaring gawin ito alinmang available na electronic payment (ePay) gateway o manually sa alinmang Authorized Agent Bank o Revenue Collection Officer ng alinmang Revenue District Office(RDO).
Paalala pa ng BIR Chief,lahat ng individual taxpayers, anuman ang klasipikasyon, ay dapat gumamit ng kasalukuyang bersyon ng BIR Form No. 1701 o 1701A sa paghahain ng kanilang 2023 AITR.
Gayunman, ang dalawang-pahinang tax return na kinakailangan sa ilalim ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Act ay dapat gamitin sa paghahain ng 2024 AITR, na dapat bayaran sa susunod na taon.
Bukod sa mga RDO,maari ring magtungo ang taxpayers sa e-filing/Tax Assistance Center sa BIR National Office para sa AITR filing and payment ng taxes kung kinakailangan pa ng tulong. | ulat ni Rey Ferrer