Sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na huli na ang inilabas na desisyon ng korte suprema na nagsasabing nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskwalipika sa Smartmatic sa bidding para sa magiging service provider ng ahensya sa susunod na eleksyon.
Ipinunto ni Pimentel na may pinasok nang kontrata ang Comelec sa bagong service provider na mula South Korea.
Gayunpaman, pinahayag ng senador na magdudulot lang ng panibagong sakit sa ulo ng Comelec ang naging ruling ng Korte Suprema dahil iisipin na ngayon ng ahensya kung paano ang gagawin sa Smartmatic.
Samantala, sinabi naman ni Senador Francis Tolentino na nasa office of Solicitor General at Comelec na ang pagdedesisyon sa magiging susunod na hakbang sa kasong ito.
Ayon kay tolentino, hindi pa naman pinal ang lahat.
Mayroon pa aniyang ‘presumption of regularity’ at maaari pang maghain ng motion for reconsideration o i-apela ang naging ruling ng SC. | ulat ni Nimfa Asuncion