DFA at DMW, kapwa bineberipika ang ulat na may 2 Pilipinong nasawi sa pagbaha sa Dubai

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinukumpirma pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) kung totoong may dalawang Pilipino na nasawi dahil sa pagbaha sa Dubai.

Sa panayam kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega matapos ang briefing sa Kamara, sinabi nito na mayroong natanggap na ulat ang konsulado ng Pilipinas na may isang babae at lalake ang nakuryente dahil sa pagbaha.

Ngunit hindi pa tukoy kung Pilipino nga talaga ang mga ito.

Sa panig naman ni DMW Officer in Charge Hans Leo Cacdac, sinabi niya na batay sa paunang ulat na kaniyang nakuha nitong Miyerkules ng gabi ay ibang nationality naman ang dalawang indibidwal na nakuryente.

Gayunman, inatasan pa rin nito ang ating labor attaché na beripikahin ang sitwayson.

Pagbabahagi pa nito, na inihahanda na ang relief goods gaya ng pagkain at tubig sa Al Ain at Dubai kung saan may mga Pilipino na apektado ng pagbaha.

Kinukumpirma rin aniya kung talagang walang Pilipinong apektado ng pagbaha sa Oman, Jordan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us