Digital transformation ng basic education sector, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat nang pabilisin ang digital transformation sa education sector.

Ito ang binigyang diin ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa gitna ng pagpapatupad ng public schools ng blended learning dahil sa sobrang init ng panahon.

Kasabay nito ay muling isinusulong ng senador ang kanyang Senate Bill 383 o ang Digital Transformation of Basic Education bill.

Sa ilalim ng panukala, bukod sa pagpapabilis ng installation at activation ng libreng public WiFi sa lahat ng pampublikong basic education institutions ay imamandato rin nito ang DepEd na itulak ang mga paaralan na pagbutihin at palakasin ang kanilang ICT (information and communications technology), para makapagpatupad ng distance learning.

Oobligahin rin ng ipinapanukalang batas ang Department of Science and Technology (DOST), na tulungan ang DepEd at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para mapabuti ang tradisyunal na pagtuturo at proseso ng pagkatuto, at para maihanda ang basic education sector sa Fourth Industrial Revolution.

Ayon kay Gatchalian, ang ganitong paghahanda para sa mas epektibong distance learning ay hindi lang magagamit sa gitna ng matinding init ng panahon kundi para na rin sa mga panahong mahaharap tayo sa anumang sakuna o emergency situation. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us