Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga residente ng Metro Manila na bisitahin ang mga ‘Super Kadiwa’ centers na nagbebenta ng P39 kada kilo ng bigas at iba pang agri-fishery products sa mas murang halaga.
Ang ‘Super Kadiwa’, ay bahagi ng Kadiwa ng Pangulo, na sinimulan ngayong Abril at iikot sa iba’t ibang LGUs sa Metro Manila hanggang Hunyo.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, malaki ang matitipid ng publiko sa alok na murang bigas na makatutulong pa sa mga magsasaka.
“Inaanyayahan ko po kayong lahat na suportahan po ang ating tinatawag na ‘Super Kadiwa’ at tulungan po natin ang ating mga kababayang magsasaka”.
Una nang nagbukas ang Super Kadiwa stores sa mga sumusunod na lugar:
San Antonio, Parañaque City; Central, Quezon City; Tunasan, Muntinlupa City; Addition Hills, Mandaluyong City; San Juan City Hall; Pamplona Tres, Las Piñas City; Santo Tomas, Pasig City; Caloocan City Hall; Navotas City Hall; Poblacion, Pateros; at, Dulong Bayan, City of San Jose Del Monte, Bulacan.
Ngayong araw (Abril 19), bukas ang ‘Super Kadiwa’ sa ROMVI Subdivision Covered Court, Barangay Moonwalk, sa Parañaque City. | ulat ni Merry Ann Bastasa

