Nagsanib-pwersa ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang North American non-government organization na Polaris Project upang labanan ang human trafficking at suportahan ang mga Pilipinong biktima nito.
Lumagda sa Memorandum of Collaborative Agreement si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez para sa DMW at si Polaris Project CEO Catherine Chan.
Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang dalawang organisasyon sa pagbuo ng framework para sa mga serbisyo sa pagrekober, repatriation, community reintegration, gayundin ang legal na tulong para sa mga trafficking survivor.
Bukod dito, tutulong din ang DMW sa pagproseso ng mga dokumeto ng mga Pilipinong biktima gaya ng passport renewal, extension, at pag-issue ng travel documents.
Sa kaniyang mensahe, sinabi Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac na ang naturang kasunduan ay patunay sa hangarin ng DMW na matigil ang human trafficking.
Ani Cacdac, ang alyansang ito ay hindi lang magpapaigting sa mga hakbang laban sa human-trafficking ngunit magpapalakas din ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga NGO.| ulat ni Diane Lear