Dahil sa patuloy na pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon at Visayas grid at pakikiisa ng pribadong sektor sa pagkokonserba sa kanilang mga establisyimento at opisina, nagpasalamat ang Department of Energy (DOE) sa ginagawang hakbang ng private sektor, upang makatipid sa supply ng kuryente ngayong patuloy ang ang yellow alert status sa dalawang malaking grid sa bansa.
Ayon sa DOE, ito ay dahil sa isinagawang interruptible load program ng private sector matapos gamitin ng mga malalaking kumpanya ang kanilang generating units upang makabawas sa energy loads, nitong mga nagdaang araw nasa yellow alert status ang supply ng kuryente.
Ito ay matapos umabot sa 300 Megawatts ang nabawas na load sa Luzon grid upang makaiwas sa load dropping, dahilan ng pagkakaroon ng ilang power interruptions sa mga sakop ng dalawang grid.
Sa huli muling siniguro ng DOE, na patuloy ang kanilng pagmo-monitor sa supply ng kuryente sa Luzon at Visayas grid, at siniguro nitong ginagawa nila ang lahat upang muling magbalik normal ang supply ng kuryente sa bansa. | ulat ni AJ Igancio