Inilunsad na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Basco, Batanes.
Ang hakbang ng DSWD ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan na dalhin ang programa nito palapit sa mga mamamayan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Marites Maristela, mayroon lamang mababang poverty incidence rate sa Batanes base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang 2022.
Ngunit dahil sa matinding socio-economic challenges tulad ng inflation, may 562 household sa Batanes ang natukoy na mahirap.
Batay sa datos ng DSWD, mayroong 297 na aktibong benepisyaryo sa Isla ng Batanes.
Noong Abril 13, may 91 household-beneficiaries mula sa bayan ng Itbayat ang nakatanggap ng cash cards mula sa DSWD.
Ang mga natitirang benepisyaryo mula sa ibat-ibang munisipalidad ng Batanes ay pinagkalooban na ngayong araw hanggang bukas. | ulat ni Rey Ferrer