Kahit idineklarang “holiday” ngayong araw, tuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang operasyon.
Kasama ang volunteers mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagpadala pa ng family food packs (FFPs) ang DSWD para sa Batanes ngayong araw.
Inihatid ang FFPs sa Laoag City Airport sa Ilocos Norte sakay ng Philippine Air Force C-130 aircraft.
Target ng DSWD na makumpleto, ang delivery ng 7,000 family food packs sa lalawigan.
Nauna nang nagpadala ng 6,000 food packs ang ahensya sa lalawigan bilang bahagi ng kanilang disaster preparedness efforts.
Ito ay matapos mag isyu ng Tsunami warning ang Phivolcs dahil sa malakas na lindol na tumama sa Taiwan noong Abril 3. | ulat ni Rey Ferrer