Sumampa na sa P46.6 milyon ang halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang nakararanas ng epekto ng El Niño.
Ayon sa DSWD, karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs.
Inilalaan naman ito sa 10 rehiyong labis na tinamaan ng tagtuyot kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, SOCCSKSARGEN, CAR at BARMM.
As of April 18, umakyat pa sa higit 350,000 pamilya o 1.5 milyong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng El Niño sa bansa.
Nananatili namang available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para tumugon sakaling madagdagan pa ang mga lugar na tamaan ng El Niño.
Una na ring naglunsad ang DSWD ng Project LAWA at BINHI na mga cash-for-training and work (RRP-CFTW) para matulungan ang mga mahihirap na makatugon sa epekto ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa