Sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ika-4 na leg ng benchmarking study sa mga dating rebelde sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Arnel Garcia, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na pahusayin ang peace and development initiatives nito.
Pinangunahan ni Asec. Garcia ang benchmarking team, kasama si DSWD Field Office-5 Regional Director Norman Laurio.
Nag-courtesy visit muna ang team sa Sorsogon Provincial Capitol bago isinagawa ang aktwal na pagbisita at pag-aaral.
Sabi pa ni Garcia, na ang patuloy na benchmarking studies na ginagawa ng ahensya sa mga dating miyembro ng non-state armed groups sa iba’t ibang probinsiya ay naglalayong mapabuti ang case management guide para sa kapayapaan at kaunlaran.
Binigyang diin ng provincial capitol ang kontribusyon ng DSWD sa pagpapanatili ng mga hakbang para sa kapayapaan ng Sorsogon.
Isang dating miyembro ng CPP-NPA ang nagbahagi rin ng kanyang mga karanasan sa suporta ng gobyerno sa mga dating rebeldeng tulad niya. | ulat ni Rey Ferrer