Hindi sapat ang pagsasanay sa “duck, cover, hold” move para maiwasan ang pagkawala ng maraming buhay sa pagkakataon na tumama ang “the Big One” o malakas na paglindol dulot ng pagkilos ng West Valley Fault”.
Ito ang babala ni Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, kasabay ng pagsabi na ang paghahanda para sa lindol ay dapat higit pa sa karaniwang Earthquake drills.
Binigyang diin ni Nepomuceno na dapat istriktong ipatupad ang Building code para makayanan ng mga gusali at bahay ang isang 8.2 magnitude na lindol.
Gayundin ang mahigpit na pagbabawal sa pagtatayo ng mga straktura sa mga lugar na bulnerable sa pagguho ng lupa.
Tinukoy ni Nepomuceno ang nakalipas na Magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan noong Abril 3, kung saan naiwasan ang malaking bilang ng mga casualty dahil sa mahusay na paghahanda, at “earthquake resistant” na mga gusali. | ulat ni Leo Sarne