Sinabi ni Deputy Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na walang bisa ang “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte at China.
Ayon kay Gonzalez., gaya ng pagkagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y “secret agreement” maging siya ay natakot sa ideyang may kasunduan na naglalagay sa alanganin sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Gonzales na siya ring chairperson ng House Special Committee on the West Philippine Sea, kung totoo man na may kasunduan ay pagsuko na ito ng soberanya ng Pilipinas sa ating sariling Exclusive Economic Zone.
Dagdag pa ng mambabatas, ang Ayungin Shoal ay bahagi ng EEZ ng Pilipinas na siyang pinagtibay sa ilalim ng 2016 Arbitral Ruling on South China Sea arbitration.
Diin pa nito na hindi maituturing na “legally binding” ang naturang kasunduan dahil dapat ito ay nilagdaaan bilang isang “executive agreement” o isang isang national policy na dadaan sa Kongreso para pagtibayin.
Ibig sabihin aniya, ang “secret agreement na pinasok ng dating pangulo sa China ay hindi dapat kilalanin.
Naniniwala naman si Gonzales na totoo si Pangulong Marcos sa kanyang sinumpaang tungulin na depensahan ang protektahan ang soberanya at konstitusyon ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes