Diretso sa impound ang nasa 198 na mga motorsiklo sa Quezon City na hindi rehistrado at walang mga plate number.
Resulta ito ng ikinasang 3-Day One Time Big Time (OTBT) operations ng Quezon City Police District (QCPD) katuwang ang ibat ibang mga police stations nito.
Ayon kay QCPD Director, Police Brig. Gen. Redrico Maranan, isinagawa ang 3-Day OTBT mula April 26-28, 2024 sa serye ng anti-criminality checkpoints ng QCPD.
Mula sa mga na-impound na motor, 112 ang mula sa operasyon ng District Tactical Motorized Unit (DTMU); 17 naman sa District Traffic Enforcement Unit (DTEU), 11 sa District Anti-Carnapping Unit (DACU), at 58 motor naman mula sa PS 1-16.
Babala naman ni Gen. Maranan na lahat ng iligal katulad nang paggamit ng motor na hindi rehistrado at walang plate number ay huhulihin lalo na sa mga walang lisensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa