Naniniwala si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na handa na nilang sugpuin ang mga nasa likod ng pagpasok ng illegal nandroga at kontrabando sa loob ng mga piitan sa bansa.
Ayon kay Catapang, bagama’t may delay sa pagkuha ng mga kagamitan para sa kanilang opisina at barracks ay ito na ang magbibigay daan para sa ibay ibang ahensya ng pamahalaan sanisang sabay sabay o synchronized anti-illegal drug campaign sa loob at labas ng mga kulungan ng bansa.
Paliwanag ni Catapang nasa 70% hanggang 80% ng mahigit 52,000 PDLs sa buong bansa ay nakulong dahil may kaignayan sa ilegal na droga.
inamin din ni Catapang na sa kabila ng mahigpit na patakaran nila sa mga kulungan ay may nahuhuli pa rin silang nagpapasok ng mga dangerous drugs, Controlled Precursors and Essential Chemicals (CPECs) at drug paraphernalia,
Ito ang dahilan aniya kaya nakipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maiparesolba ang komplikadong isyu ng drug use at trafficking sa mga pasilidad ng BuCor. | ulat ni Lorenz Tanjoco