Mas marami na ngayon ang makikinabang sa healthcare program ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas.
Ito ay dahil sa ginawang pag-apruba ng LGU ng mga green card application na siyang magsisilbing daan para sa mga residente ng Las piñas na magkaroon ng extended essential healthcare benefits.
Ayon sa Las Piñas LGU, ang kanilang green card program ay pinamana pa ng yumaong alkalde ng lungsod na si Mayor Nene Aguilar kung saan naglalayon ito na mapalakas ang pagbibgay ng healthcare service sa mga komunidad.
Mismong si Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang nanguna sa proseso ng aplikasyon ng naturang green card na pagpapatunay ng commitment nito sa healthcare program ng lungsod.
Ang naturang hakbang ng bise alkalde ay pagpapakita din ang pagbibigay prayoridad ng pamahalaang lungsod sa kalusugan ng mga nasasakupan nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco