Pumalo sa 38°C na Heat Index o Init Factor ang naitala sa Quezon City kaninang alas-2:04 ng hapon.
Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), ang nararanasang matinding init ng panahon ay ikinokonsidera bilang “extreme caution”.
Babala ng QCDRRMO, maaari pa raw tumaas ito sa mga susunod na oras.
Hinihikayat ang lahat na huwag nang lumabas ng kanilang bahay kung hindi naman kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init.
Batay sa dalawang araw na forecast ng PAGASA-DOST, maglalaro sa 39 hanggang 40 degrees Celsius ang heat index ngayong araw at bukas sa Quezon City, at 40 hanggang 41 degrees Celsius naman ang maaaring maramdaman sa NAIA sa Pasay City. | ulat ni Rey Ferrer