Hindi na nagsayang ng oras ang pamunuan ng STICollege para ipakita sa Philippine National Police (PNP) ang kakayahan nito na makapag-ambag sa modernisasyon ng PNP.
Sa ginawang pakikipag ugnayan ng PNP sa STI para sa police modernization commitment ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil, ikinagulat ng kapulisan ang kapabalidad ng teknolohiyang ipinakita ng STI.
Dito ay papasok sa virtual reality ang kapulisan kung saan kayang ire-create ng STI team ang scenario, location at mismong environment ng isang lugar para sa mas maayos at malalimang imbestigasyon.
Ayon kay STI Training Academy President Ephrim dela Cerna, kahit trajectories ng bala ay kaya nilang ire-create.
Kaya din nilang gawin ang Malacañang, Quirino Grand Stand o kahit ano pang lugar na kailangan ng PNP para sa operasyon nito.
Ito aniya ang pwedeng magsilbing immersion ng PNP personnel sa kanilang mga operasyon.
Napabilib naman si PNP Directorate for Information Communications and Technology Police Brigadier General Allan Nobleza, na humalili kay PNP Chief Marbil sa nasabing pagtitipon.
Giit ni Nobleza, napakaganda ng pasilidad ng STI at malaking tulong ang mga ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. | ulat ni Lorenz Tanjoco