Aabot na sa higit ₱17-million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng El Niño Phenomenon.
Kabilang sa naipamahaging tulong ng ahensya ang mga food pack pati na ang cash for work at training.
Sa kasalukuyan, umakyat na sa pitong rehiyon ang apektado ng El Niño kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, CAR, at BARMM.
Sa tala rin ng DSWD, nadagdagan pa sa 136,839 pamilya o katumbas ng higit 600,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng tagtuyot.
Una na ring tiniyak ng DSWD na sapat ang pondo nito sakaling mangailangan pa ng karagdagang tulong ang mga apektado ng El Niño.
Katunayan, aabot pa sa higit dalawang bilyon ang available relief resources nito kabilang ang standby funds at stockpile. | ulat ni Merry Ann Bastasa