Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development Field Office 12 (DSWD-FO12) ang ‘Tara, Basa!’ Tutoring program sa General Santos City.
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan na ng DSWD, General Santos LGU at Mindanao State University kahapon.
Ayon kay DSWD SOCCSKSARGEN Regional Director Loreto Cabaya Jr., nasa 2,132 nahihirapan at hindi marunong magbasa na sa elementary students ang makikinabang sa tutoring program.
Habang 257 na mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa MSU-GenSan ang nagboluntaryo din na maging tutor at Youth Development Workers (YDWs).
Sa ilalim ng Tara, Basa! program, ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay magiging mga tutor at youth development workers (YWDs).
Bilang kapalit ng serbisyong ibinigay, ang mga tutor at YDW ay tatanggap ng cash-for-work (CFW) na Php403 kada session, na nakabatay sa regional daily minimum wage.
Bukod sa General Santos City, saklaw din ng programa ang iba pang lugar sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang Samar province, San Jose Del Monte City, Malolos City, Bulacan province, Cebu City, Marawi City, Taraka sa Lanao Del Sur, Quezon province, at National Capital Rehiyon (NCR).| ulat ni Rey Ferrer