Iba’t ibang de-kalidad na mga produkto, mabibili sa abot-kayang halaga sa Kadiwa ng Pangulo sa Pasig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling umarangkada sa Lungsod ng Pasig ang Kadiwa ng Pangulo.

Ito ay matatagpuan sa Barangay Sta. Rosa Covered Court kung saan tampok ang samu’t saring de-kalidad na mga produkto.

Gaya ng sariwang gulay, prutas at bigas na P39 kada kilo, pero hanggang limang kilo lang ang maaaring bilhin ng bawa’t mamimili.

Tampok din dito ang iba pa pang mga produkto tulad ng mga manok, kakanin, herbal soap, tinapay, bag, at dessert.

Mas mura ang mga naturang bilihin ng P10 hanggang P20 kumpara sa mga presyuhan sa palengke.

Kaya naman hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga residente nito na samantalahin ang dalawang araw na aktibidad.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay isasagawa simula April 15 hanggang April 16 simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. | ulat ni Diane Lear

Photos: Pasig PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us