Muli na namang makararanas ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City sa gitna ng matinding init ng panahon. Sa abiso ng Manila Water Services, ipatutupad ang water service interruption sa ilang lugar sa lungsod bunsod ng isasagawang interconnection.
Apektado ang bahagi ng Barangay South Triangle sa kahabaaan ng EDSA mula sa Timog Avenue.
Maaantala din ang suplay ng tubig sa Samar Avenue, sa kahabaan ng Sgt. Esguerra; kahabaan ng Borromeo mula EDSA hanggang Esguerra; kahabaan ng Eugenio Lopez mula EDSA hanggang Esguerra; at ang kahabaan ng Panay Avenue mula EDSA hanggang Scout Albano.
Magsisimula ang water interruption mula bukas,Abril 4 ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga ng Abril a-singko.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig.
Samantala, simula mamayang gabi hanggang bukas naman mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Antipolo at Taytay sa Rizal.Itoy dahil sa isasagawang line maintenance sa apektadong lugar. | ulat ni Rey Ferrer