Ilang kalsada sa Lungsod ng Taguig, pansamantalang di madaraanan ng mga motorista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paalala sa ating mga kababayan, pansamantalang isasara ng pamahalaang Lungsod ng Taguig ang C-6 northbound lane hanggang sa Hagonoy Pumping Station.

Ito ay simula ngayong araw 4 PM, hanggang bukas ng 12:00 ng madaling araw.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, ito ay bunsod ng Taguig Music Festival na siyang pagdiriwang ng lungsod sa 437th Founding Anniversary nito.

Ang southbound lane ng C-6 papuntang Hagonoy ay pansamantalang magiging two-way road habang sarado ang kabilang bahagi ng kalsada.

Humingi naman ng pasensya ang pamahalaang lungsod sa mga motoristang maaapektuhan ng nasabing road closure.

Paalala ng Taguig LGU na planuhin ng maaga ang biyahe, gumamit ng alternatibong mga daanan, at magdagdag ng oras para sa biyahe.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us