Tiniyak ng Phil. Navy ang masusing imbestigasyon sa pagbagsak ng kanilang Robinson R22 helicopter sa bisinidad ng Cavite City public market kaninang pasado alas-6 ng umaga.
Ito’y upang maiwasang maulit muli ang insidente.
Sa isang pahayag, sinabi ni Naval Public Affairs Office Director Commander John Percie Alcos na galing sa Sangley Airport ang naturang helicopter at nagsasagawa ng training flight lulan ang 2 officer pilot.
Naisugod pa sa ospital ang dalawang piloto ng mga rumespondeng team mula sa Philippine Fleet at Naval Air Wing, ngunit sa kasawiang palad ay hindi na sila umabot ng buhay.
Nagpahayag ng pakikiramay ang pamunuan ng Phil. Navy sa mga pamilya ng mga nasawi, na pansamantala munang hindi kinila.
Ayon kay Alcos, ang bumagsak na helicopter ang nag-iisang natira mula sa kanilang dalawang R-22 helicopter. | ulat ni Leo Sarne
📷 Police Regional Office 4A