Nakipagpartner na rin sa Department of Human Settlements and Urban Development ang Pasig City Local Govt para sa pagtatayo ng in-city housing sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Kamakailan, pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Pasig City Mayor Vico Sotto ang paglagda sa isang memorandum of understanding (MOU) para pagsasakaturpaan ng pabahay.
Pangunahing ilalaan ang mga pabahay sa informal settler families (ISFs) at low-income earners sa Pasig City.
Ayon kay Sec. Acuzar, mahalaga ang proyektong ito lalo’t malaking porsyento ng ISFs ay naririto sa Metro Manila.
“The highest percentage of ISFs are found here in Metro Manila, so pushing for the implementation of in-city projects is our priority. It would really have a huge positive impact on the lives of most of our kababayans wanting to have their own homes through the 4PH program,” Secretary Acuzar.
Snabi naman ni Mayor Sotto na mayroon nang plano ang pamahalaang lungsod para sa insiyal an pagtatayo ng dalawang housing projects sa Pasig.
Nagkaroon na rin anila sila ng dayaologo para sa mga target beneficiary ng proyekto. | ulat ni Merry Ann Bastasa