Sugatan ang isang miyembro ng PNP- Special Action Force (SAF) nang maka-engkwentro ng mga pulis ang New People’s Army sa Brgy Agao-ao, Ragay, Camarines Sur noong Sabado.
Ayon kay PNP SAF Director Police Major General Bernard Banac, tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng tinatayang 15 hinihinalang teroristang komunista at mga mga miyembro ng 5th Company ng PNP SAF at 9th Special Action Battalion.
Dito’y tinamaan ng bala sa kanyang kaliwang kamay ang SAF trooper na si PCpl Jayson Jalvez na agad nilapatan ng lunas.
Matapos ang engkwentro, narekober sa lugar ang isang cal.45 pistol, nga M16 magazine, mga bala at sangkap sa paggawa ng bomba.
Nagpapatuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng SAF sa mga tumakas na rebelde.
Under control na rin ang sitwasyon pero nananatili aniya naka alerto ang mga pwersa ng gubyerno sa lugar. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of SAF