Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi binding o walang bisa ang anumang kasunduan na maaaring pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon kay Pimentel, maaaring ginawa ng dating pangulo ang kasunduan para hindi na tumaas pa ang tensyon.
Dagdag pa ng minority leader, maikokonsiderang personal agreement ang naganap kaya matapos ang termino ni Duterte ay wala na itong bisa o hindi na ito binding sa bansang iyon.
Kaya naman hindi na aniya dapat pang palalain ang isyu dahil hindi maituturing na official treaty ang naturang kasunduan.
Sa kabila nito, suportado pa rin ng senador ang anumang gagawing imbestigasyon ng lehislatura tungkol sa isyu para matukoy kung ano talaga ang nangyari.
Iminungkahi rin ni Pimentel na sa hinaharap ay dapat iwasan na ang pagpasok sa mga verbal, unrecorded at informal agreement dahil sa ilalim aniya ng ating konstitusyon ay maituturing na unconstitutional ang ganitong mga kasunduan. | ulat ni Nimfa Asuncion