Matagumpay na naisagawa kahapon ang kauna-unahang National Capital Region Regional Community Defense Group (NCRRCDG) Reserve Officer Training Corps (ROTC) Fancy Drill Competition sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.
Dito’y nakilahok ang mga ROTC unit mula sa 14 na kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na nagpamalas ng kanilang husay sa rifle drills.
Hinirang na kampeon ang ROTC unit ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa; habang first runner-up sa komoetisyon ang Makati Science Technological Institute of the Philippines ROTC Unit; at second runner-up ang UP Diliman ROTC Unit.
Binati ni Phil. Army Reserve Command (RESCOM) Deputy Commander Brig. Gen. Samuel B. Manzano ang 400 ROTC cadets na nakilahok sa aktibidad, kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng ROTC program sa pag-hubog ng mga susunod na lider ng bansa, at pagsulong ng community engagement na mahalaga para sa kaunlaran ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by Pvt Divino S Lozano PA/OACPA