Muling inilunsad ng Quezon City LGU ang KILO/S KYUSI o “Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” na isang charity bazaar.
Sa pagkakataong ito, magiging permanente ang Kilo/s Kyusi sa Quezon City Hall Park and Lagoon simula ngayong Lunes.
Kabilang sa mabibili rito ang pre-loved at brand new items gaya ng damit, sapatos, at bag na ang iba ay ibebenta ng P300 kada kilo.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang malilikom na pondo rito ay mapupunta sa Quezon City Learning Recovery Fund na naglalayong palakasin ang learning recovery programs sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Kasama rito ang pantustos sa tutoring program sa mga kabataang estudyante sa lungsod.
Bukas ang naturang charity bazaar mula Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm. | ulat ni Merry Ann Bastasa