Ligal na aksyon, ikinukunsidera ng Malacañang laban sa nasa likod ng deepfake video ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ng pamahalaan na magsampa ng demanda kontra sa sinomang nasa likod ng ipinakalat na deepfake video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Patricia Kayle Martin, kumikilos na sa kasalukuyan, kapwa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Security Council.

Itoy hindi lamang para matukoy ang nasa likod ng nabanggit na pagpapakalat ng disinformation kundi para na rin sa kaukulang ligal na hakbang na gagawin ng pamahalaan.

Seryoso ani Martin ang usapin na maaaring magkaroon ng epekto at makapaglagay sa alanganin ng foreign relations ng Pilipinas gayundin sa aspeto ng national security.

Ang deepfake video ayon sa PCO official ay itinuturing nilang cause for concern gayung maaaring magdulot ito ng gulo dahil sa laman o content nito na kung saan, pinalabas na nagbabadya ng pakikipag-giyera ang Pangulo sa isang bansa.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us