Hindi kukunsintihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anumang pagkilos ng kanilang mga miyembro na labag sa batas at nakakasama sa imahen ng organisasayon.
Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kaugnay ng Facebook post ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) na video ng isang babaeng drayber ng itim na SUV na lumabag sa bus lane.
Sa video, tumanggi ang babae na isuko ang kanyang lisensya at tinakbuhan ang mga enforcer matapos na magpkilalang Major ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at umano’y pamangkin ni Major General Mario Reyes ng PNP.
Ayon kay Col. Trinidad, hindi pa nakikipag-ugnayan ang SAICT sa AFP kaugnay ng insidente at pagkakakilanlan ng driver.
Binigyang diin naman ni Trinidad na miyembro man ng AFP o hindi ang drayber, dapat itong panagutin sa kanyang violation. | ulat ni Leo Sarne