Muling naglabas ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng panibagong alert status sa Luzon at Visayas Grid ngayong araw.
Dahil sa kakapusan ng reserba sa kuryente, muling isasailalim sa yellow alert ang Luzon at Visayas Grid simula mamayang ala-1 ng hapon.
Iiral ang yellow alert sa Luzon Grid:
1:00PM-5:00PM
7:00PM-11:00PM
Habang sa Visayas grid naman ay mula:
1:00PM-4:00PM
6:00PM-7:00PM
8:00PM-9:00PM
Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,424.3 megawatts ang Luzon grid habang 670.8MW naman ang unavailable sa Visayas grid bunsod pa rin ng mga plantang naka-forced outage at tumatakbo sa mas mababang kapasidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa