Nasa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalagang ₱13,600,000 ang nasamsam mula sa isang drug suspect sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa barangay Tandu-Bato, bayan ng Luuk, Sulu bandang alas-4:00 hanggang alas-5:30, Sabado ng hapon, Abril 27, 2024.
Kinilala ng pulisya ang drug suspect na si Pailan Sahali Jumali, residente ng barangay Seit Lake, Panamao, Sulu.
Nakumpiska mula dito ang isang piraso ng itim na sando bag na may lamang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic bags na may hinihinalang lamanng shabu, isang piraso ng sling bag na may lamang isang itim na analog cellphone, dalawang piraso ng valid ID sa pangalan ni Pailan Jumali at iba pang ebidensiya.
Dinala ito sa Luuk District Hospital at idineklarang patay na kinalaunan ng attending physician.
Katuwang ng PDEA Sulu BARMM sa naturang operasyon ang Sulu Police Provincial Office, 54th Special Action Company ng 5th Special Action Battalion, NICA BARMM, RIU IX, Luuk MPS, 1st PMFC, 1404th-B ng RMFB 14-B, “A” Coy, 101st IB PA, 112th MICO PA at Coast Guard Station Eastern Sulu. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo