Mas dumami pang mga paaralan ang lumipat sa alternative delivery mode dahil sa matinding init ng panahon.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) as of April 3 ng alas-4 ng hapon, halos, 4,000 mga paaraalan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nagpatupad ng alternative delivery mode.
Habang pumalo na sa 1.3 milyon na mga mag-aaral ang apektado ng pagsuspinde ng face-to-face classes.
Magugunitang na pinapayagan ng DepEd ang mga opisyal ng paraalan na magpasya kung kinakailangan nitong lumipat sa alternative delivery mode dahil sa mainit na panahon.
Layon nitong maipagpatuloy ang klase ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng online o modular.
Tiniyak naman ng DepEd na prayoridad nila ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng eskwelahan.| ulat ni Diane Lear