Ipinangako ng bagong PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang isang mahusay, matatag at maasahan na kapulisan.
Ito ang inihayag ni PGen. Marbil matapos na panumpain ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-30 pinuno ng pambansang pulisya kapalit ni Gen. Benjamin Acorda Jr. Sa Camp Crame kaninang umaga.
Kasabay nito, nagpasalamat si PGen. Marbil sa Pangulo sa pagtitiwala; kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos sa suporta; at kay dating PNP Chief PGen. Acorda sa kanyang dedikasyon sa serbisyo.
Sinabi ni PGen. Marbil na gagawin ng PNP ang lahat para pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan dahil dito nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya at progresso.
Itataguyod aniya ng PNP ang isang ligtas ng Bagong Pilipinas, ligtas na tahanan at ligtas na pamayanan. | ulat ni Leo Sarne