Iminungkahi ni Manila Rep. Joel Chua na gayahin ang Kadiwa stores sa pagbebenta naman ng murang produktong petrolyo para sa mga mahihirap at low income.
Ayon kay Chua, kung nakakapag benta ng murang produktong agrikultural sa Kadiwa ay maaaring sa ganitong paraan na lang gawin ang fuel subsidy ng pamahalaan.
Maaari aniya pumasok sa kasunduan ang Department of Energy at Department of Transpprtation kasama ang mga piling gasolinahan para makapag benta ng produktong petrolyo sa mas murang halaga.
“It would be up to the DOE and DOTR to choose which fuel companies and fuel stations shall sell the discounted fuel at the designated pumps. In consultation with the Department of Finance and Department of Budget and Management, it would also be up to the DOE and DOTR to determine the amount of the discount and the budget.” ani Chua
Sa ganitong paraan aniya, hindi limitado sa mga PUJ at tricycle lamang ang tulong ng pamahalaan pagdating sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at hindi na rin aniya kailangan pa ng Pantawid Pasada cards. | ulat ni Kathleen Forbes