Tiniyak ng Manila Water ang maaasahang suplay ng tubig para sa mga ospital at paaralan sa East Zone sa buong summer ngayong taon.
May kabuuang 173 public at 210 private hospital at 916 public at 999 private schools sa East Zone ng Metro Manila at Rizal Province.
Sinabi ni Manila Water’s Corporate Communications Affairs Director Jeric Sevilla, kailangang may tuloy-tuloy na suplay ng tubig habang nararanasan ng bansa ang isa sa pinakamainit na summer dulot ng El Niño.
Bukod dito, sa pamamagitan din ng Manila Water Foundation, inilunsad ang ‘Lingap Program’ para sa mga natukoy na ospital at paaralan.
Ang programa ay nagsasagawa ng rehabilitasyon ng mga linya ng tubig papunta sa mga pampublikong institusyong ito at nagbibigay ng technical assistance sa kanilang internal reticulation system.
Ang mga natukoy na institusyong ito ay pangunahing nagsisilbi sa low-income communities. | ulat ni Rey Ferrer