Pinangunahan ni NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca ang site inspection at instalasyon ng Harris Radios sa mga Naval Detachment sa Mavulis, Fuga, at Calayan Islands mula noong araw ng Linggo hanggang ngayong araw.
Ang pagbisita ni Lt. Gen. Buca kasama ang iba pang matataas na opisyal sa Mavulis island, ang pinaka-Hilagang isla ng bansa, ay para masiguro ang kahandaan ng strategic military installations sa Batanes Group of Islands.
Kasabay nito ang instalasyon ng Harris Radios sa Fuga at Calayan Islands na isinagawa ng 2nd Communications, Electronics, and Information Systems Group (2CEISG), ng AFP.
Ayon kay Lt. Gen. Buca, ang paglalagay ng Harris Radio na may Voice at data capability sa naturang mga isla ay magpapalawak sa
communication capabilities ng AFP sa buong Batanes Province, bilang bahagi ng pagpapalakas ng maritime Security at external Defense sa Hilagang bahagi ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NOLCOM