Tumanggap ng makabagong makinarya at advanced technologies mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga magsasaka sa Sorsogon.
Makikinabang ang mahigit 100 miyembro ng Carriedo Agrarian Reform Cooperative sa bigay na traktora na nagkakahalaga ng P1.5 million.
Tiwala ang DAR na makakatulong para mapataas ang produksiyon at madagdagan ang kita ng Agrarian Reform Beneficiaries.
Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II Nida Santiago, gagamitin ang four-wheel drive tractor sa mga aktibidad sa paghahanda ng lupa sa kanilang produksiyon ng palay.
Tiniyak ni Santiago, ang suportang programa na ipatutupad ng ahensya upang labanan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer