Tiniyak ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kanilang kahandaan para mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko kasunod ng isasagawang partial closure ng Kamuning flyover sa Quezon City simula Miyerkules, May 1.
Ito’y para sa isasagawang by-phase retrofitting at repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naturang flyover na tatagal ng tig-anim na buwan.
Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa DPWH, Department of Transportation (DOTr), Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Quezon City LGU at mga kinauukulang opisyal ng barangay.
Dito, tiniyak ng DPWH na mananatiling bukas ang EDSA Busway para sa bus caoursel habang ang mga pribadong sasakyan naman ay pararaanin sa service road.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, kailangan ng sama-samang pagtugon dito ng iba’t ibang ahensya upang maibsan ang abalang idudulot ng nasabing pagkukumpuni sa biyahe ng mga motorista. | ulat ni Jaymark Dagala