Inalabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang schedule ng Kadiwa ng Pangulo sa nasasakupan nito para abiso sa publiko na nag-aabang nito.
Base sa inilabas na anunsyo, ang Kadiwa ng Pangulo para sa taong 2024 ay buwan-buwan dadayo sa Lungsod ng Makati at kadalasan ay sa huling araw ng buwan ito gaganapin.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay gaganapin sa Makati City Quadrangle simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kung saan pinangungunahan ito ng Economic Enterprise Management Office, Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture.
Inaasahang mabibili dito ng publiko ang mga murang prutas, gulay, frozen meat products, at iba pang produkto.
Makakabili rin dito ng bigas sa halagang ₱39 kada kilo.
Layon ng programa na suportahan at matulungan ang local farmers na maibenta ang kanilang mga produkto.
Payo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati sa mga nais mamili sa Kadiwa ng Pangulo ay magdala lamang ng eco-friendly bags upang mabawasan ang paggamit ng plastik. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Makati LGU fb