Nagpakilalang pamangkin umano ni DILG Sec. Benhur Abalos, arestado matapos tangkaing kuhain ang nahatak na kolorum na van

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nagpakilala na umano’y pamangkin ni DILG Secretary Benhur Abalos at nag-ooperate ng kolorum na van.

Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni MMDA Assistant General Manager Assistant Secretary Angelo Vargas at MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go, na nag-ugat ang operasyon sa Cubao kanina matapos makatanggap ng impormasyon na may van na illegal na nagsasakay ng mga pasahero na biyaheng pa-Laguna.

Noong ito ay mahuli ng MMDA, napag-alaman din na peke ang lisensya ng driver at sinabi na ang may-ari ng van ay kamag-anak ni Secretary Abalos.

Matapos ito ay sinabi ni Vargas na nagpunta ang babaeng operator sa tanggapan ng MMDA sa Pasig City upang makipag-ayos at kuhain ang sasakyan, at nagpakilalang kamag-anak ng kalihim.

Dito na nag-usap ang MMDA at DILG, nakausap din ni Asec. Vargas si Secretary Abalos at ang direktiba nito ay kahit pa kaniyang kamag-anak ay arestuhin kung mali ang ginawa.

Kaya naman sabay na inaresto ng MMDA at DILG ang naturang babae at mahaharap sa patong-patong na kaso. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us