Nakilahok ang Philippine Navy (PN) sa ginanap na Admiral BENELUX Naval Mine Warfare (ABNL NMW) Symposium sa Naval Academy sa Oostende, Belgium, kamakailan.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga delegasyon mula sa 22 bansa kung saan nagbahagi ng kasanayan at kaalaman sa Mine Warfare ang kani-kanilang mga eksperto.
Ang delegasyon ng Philippine Navy ay kinabilangan ng mga opisyal ng Mine Warfare Group (MWG) ng Philippine Fleet (PF) na pinamumunuan ni CDR Reynante B Ma-ao.
Ayon sa pamunuan ng PN, ang pakikiisa ng PF sa naturang symposium ay patunay lamang ng komitment ng hukbo sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan. | ulat ni Leo Sarne