Hinihikayat pa ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio.
Nagpapatuloy pa hanggang Mayo 15 ngayong taon, ang isinasagawang Chikiting Ligtas Bivalent Oral Polio Supplemental Immunization Activity.
Nagbabahay-bahay ang mga health workers upang mabigyan ng bakuna laban sa polio ang mga batang edad 0-59 buwang gulang.
Ang polio ay isang sakit na dulot ng poliovirus na nakakaapekto sa spinal cord at muscles. Ito ay lubhang mapanganib lalo na sa mga bata 5 taong gulang pababa.
Bakuna lamang ang mabisang proteksyon sa polio at iba pang vaccine-preventable diseases. | ulat ni Rey Ferrer