Nagsagawa ng mga blackout drill ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para paghandaan ang mga hindi inaasahang pangyayari, tulad ng malawakang pagkawala ng kuryente.
Ang taunang blackout drills ay magkakahiwalay sa mga grid ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga stakeholder mula sa generation at distribution sector, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Kabilang sa mga tinatalakay sa table-top presentation ay ang black start services, mga aktwal na karanasan sa power restoration, mga alituntunin at pamamaraan sa power restoration, at breakout sessions.
Layon nito na tiyaking magkakapreho ang mga gagawing tugon ng energy sector sa sandaling makaranas ng malawakang power interruption.
Sa pamamagitan nito, makikita ang kahandaan ng mga stakeholder sa pagtugon at sa koordinasyon ng lahat ng sektor at sa pagpapataas sa kamalayan ng publiko. | ulat ni Diane Lear