Humingi ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng ahensya sa mga ilegal na transaksyon.
Sa isang advisory ng OCD, binalaan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang publiko na wag makipag-transaksyon sa mga grupo o indibidual na nag-aalok ng serbisyo sa pagpoproseso ng mga dokumento sa ahensya.
Partikular aniya ang mga dokumento at transaksyon na may kinalaman sa agency procurement at NDRRMF funding applications.
Paalala ni Nepomuceno, lahat ng dokumento at transaksyon sa OCD ay isinasagawa sa pamamagitan ng “official channels” at “authorized persons” lang.
Hinikayat naman ni Nepumuceno ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang mga kahina-hinalang transaksyon. | ulat ni Leo Sarne