Pagbabawal sa mga e-bike at e-trike na dumaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, tuloy na sa April 15 – MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy na sa April 15 ang pagbabawal sa mga e-bike, e-trike, traditional tricycle, at kuliglig sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairpersonn Atty. Don Artes sa pulong balitaan ngayong araw.

Ayon kay Artes, final na ang April 15, 2024 na petsa ng pagpapatupad ng MMDA resolution na kanilang inaprubahan.

Paalala naman ng opisyal, ang mga mahuhuling lalabag ay magmumulta ng P2,500 at kung walang maipakitang rehistro o lisensiya ang drayber, kukumpiskahin, at i-impound naman ang sasakyan.

Magugunita na ang pagbabawal ng MMDA sa mga e-bike, e-trike at iba pang sasakyan sa pangunahing kalsada ay tugon sa pagdami ng bilang ng mga ito sa lansangan at pagtaas sa bilang ng aksidente na kanilang kinasasangkutan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us